1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

Entry 1:

Tapos na ang 1st sem at alam ko mas mahirap ang college habang tumatagal.

“Oi alam ninyo ba nagshift ng ibang course si Ace?”

Nakikinig ako sa usapan ng mga kaibigan ko habang kumakain naman ako. 2 days from now, start na naman ang 2nd sem.

“Talaga? Bakit daw?”

Tumingin naman silang lahat sakin.

“Anong schedule mo this 2nd sem?” nagtaka ako sa tanong ni Jana pero kinuha ko na lang yung assessment ko sa bag ko at binigay sa kanila.

“Tama. Magkaklase kayo ni Ace this 2nd sem.”

Hindi ko alam kung matutuwa ako na may kakilala na ako sa mga naging schedule ko this 2nd sem. Pero si Ace, hindi ko siya kaclose.



Start na ng 2nd sem. Ang daming mga students na nakakasalubong ko habang papunta na ako sa room ko. thump.thump.. kinakabahan ako. Sana walang mangyaring masama, yan ang nasa isip ko.

“Ah—“ may nakasabay ako sa pagpasok. At nung magkatinginan kami.

Si Ace..



Dahil first day of school, kami lang ni Ace ang nagkakausap. Bukod pa dun hindi naman talaga ako friendly. Kilala ko si Ace dahil minsan ko siyang nakakasama, kaibigan niya sila Jana. At hindi ko akalain na parehas na pala kami ng program.

 Halos magkaklase pala kami sa lahat ng subject. At kahit 3rd day of school na, wala pa rin atang nagiging kaibigan si Ace.. gaya ko. Hindi ko alam na hindi rin pala siya friendly. Madalas siyang tulog pagvacant kami habang naggagawa lang ako ng mga assignments since wala namang akong aasahan sa mga kaklase ko dahil wala pa akong masyadong kaclose. Minsan din nagkakataon na tabi na lang kami ng upuan at kami na lang din ang nagkakatulungan sa isa’t isa.



“Rae, punta lang kaming cr.”

“Ah sige.” I waved at them habang papunta silang cr. Naiwan naman ako saming table.

Nandito kami sa mall kasama ang ibang boys. At dito sa table ng girls, ako lang ang naiwan. Naisip ko na lang na kalikutin ang cp ko para kunwari may katext ako.

“Uhm.” Napalingon naman ako sa lumapit.

Si Ace. Umupo  naman siya sa harap ko.

“Hihiramin ko sana yung notes mo. Nakatulog kasi ano nung isang araw sa history class. Eh diba may quiz?”

“Ahh..” agad ko namang hinanap yung notebook ko at binigay sa kanya.

“Thanks.” Tumango ako.

Hindi agad siya umalis at tumingin muna sakin. Hindi ko alam kung gusto ba niya akong samahan sa table dahil nga nag-iisa ako at since we’re in the same group of friends.

“Uhh..” sabay naming sabi.

Pero siya muna ang nagsalita, “Tulungan tayo sa long quiz?” tumango ako.

“Sige.”



Hindi ko pa masyadong kilala ng lubusan si Ace. Pero siguro magiging mas close pa kami sa isa’t isa.

Pagkatapos naming kumain, naisip naming pumunta sa timezone at maglaro. Yung mga boys nagbasketball habang nakikigulo sa kanila sila Jana. Ang gulo nga nila habang tawa ng tawa. Napansin ko na napapatingin yung ibang tao sa kanila, nakaupo lang kasi ako at tinitingnan sila sa di kalayuang pwesto. Ang saya saya nilang tingnan. Ang ginawa ko na lang ay magcellphone. Tinext ko yung mga dati kong kaibigan para lang magsunog ng oras.

 Mahigit dalwang oras din kami dun. At naisipan ulit ng lahat kumain sa may foodcourt at yung iba ay umuwi na. bale mga 6 na lang kami.
“Rae, anong gusto mo?”

“Ah brownies na lang ang akin at iced tea.”

“Sige, pabantay na lang ng gamit namin a.”

Naiwan na ulit ako habang lahat sila ay bumili ng makakain.

“Rae, hindi ka kakain?” nilagay naman ni Jesper ang pagkain niya. Siya ang unang natapos bumili.

“Nagpabili na lang ako kay Jana para mabantayan ko gamit natin.”

“Ahh.” Umupo siya sa harap ko. “Naku! Nakalimutan ko pa lang bumili ng drinks. Wait lang a.” umalis naman siya.

Sabay dating ni Ace, ”Saan papunta yun?”

“Bibili daw ng drinks.”

Umupo naman siya sa katabi ni Jesper. Inayos niya ang pagkain niya.

“Uhm gusto mo? “ inabot niya sakin yung fries niya.

Umiling ako, “Nagpabili na ako kay Jana. Okay na ako dun.”

“Sure ka? Kahit isang piraso lang.” ngumiti na lang ako.

Sa totoo lang, hindi ako ganong kaclose sa mga boys na kabarkada ni Jana. Sila Jana, Mariz at Jeanne lang ang kaclose ko. kaya.. laging awkward pagnakikipag-usap ako sa mga boys. Lalo na pagdating kay Ace.

Nung natapos naman kaming kumain, nagdecide na mag-uwian na. Pero  sinabihan ako ni Ace na samahan ko muna daw siya sa isang boutique. Kaya sumunod naman ako.

“Here.” Binalik na niya sakin yung notebook ko. “Kung hihiramin ko kasi yan, hindi ka makakapag-aral.”

Tama siya..

“Thanks..”



Nagtagal mas naging close pa kami ni Ace. Minsan nagtutularan kami sa quiz at nagkokopyahan sa assignments. Finally nagkameron na rin kami ng mga friends at nagkataon pa na sa iisang grupo ng kaibigan kami napabilang. Ulit.

Nakilala ko si Ace bilang isang pilyong kaibigan. Madami rin siyang alam na kalokohan pero alam niya kung kelan makikipaglokohan. Mahilig siyang matulog at medyo tamad. At habang mas tumatagal, nagugustuhan ko na si Ace.. hindi rin kasi mahirap na magustuhna siya. bukod sa ugali niya.. ay gwapo rin si Ace.



*sigh*

“Eh?” napansin ko na walang tao sa room. Pero..



Andun si Ace. Nakaub-ob sa arm chair niya. Mukhang natutulog.

Lumapit ako sa arm chair ko para kunin sana yung bag ko.. nang makita kong nakatingin na siya sakin. Muntik na akong atakihin sa puso sa gulat.

“Aalis ka?”

Hindi ko alam ang isasagot ko. aalis dapat ako, pero ngayong gising na siya.. na kami lang na dalwa dito..

“Nasaan ba sila?” nasabi ko na lang habang nagkukunwaring may hinahanap sa bag ko.

“ Ang tagal mo daw kasi kaya naisipan na nilang pumunta ng canteen para kumain.” Naalala ko bigla yung cellphone ko.

“Ah oo. Tinext nila ako.” Pinakita ko yung cp ko sa kaniya.

“Pero bakit hindi ka sumunod?” hindi naman kaya, tinatamad na naman siya?



Umiwas siya ng tingin, “Baka kasi hanapin mo kami.”



THUMP!



Palagi na lang siyang ganyan. Gumagawa siya ng mga bagay na hindi niya alam kung ano ang epekto sakin. Nakakainis na pala…

“Aalis ka?” napatigil naman ako. Pero hindi ako lumingon. “Saan ka pupunta?”

Tumingin na ako sa kanya. “Cr. Bakit sama ka?” tumawa ako. Ganon din siya.

“Sige, dito lang ako.” Ngumiti ako sabay alis.

Tinext ko agad sila Aira na bumalik na ng classroom.



Sunod na klase nagkameron kami ng class activity pero habang nasa klase kami, sa isang topic napunta ang usapan..

“Waaah ang pogi talaga niya no.”

“Tss. Ang gwapo ko dyan..”

Iniisip ko kung anong isusulat ko sa report namin. Ako kasi ang napili nilang leader.

“Uh guys..” sabi ko--

“Eh ikaw Ace, sino crush mo?”

“Ayiiiii~” nagtawanan sila. At nung marinig ko naman yun, agad kong tinuon ang atensyon ko sa sinusulat ko.

“Bakit naman ako?”

“So sino nga?”

Agh.. bakit parang gusto kong marinig kung sino at the same time, ayoko..
“Si Rae—“

“HUH!?” napasigaw ako. At agad na napatingin ang lahat sakin. “Sorry..” agh mukhang namumula ako. Nakakahiya!

“Haha sabi ko. Rae, ano yung tinatanong mo kanina.” Sabi ni Ace sakin. Nahihiya pa rin ako.

Narinig ko pa na nagtawanan yung iba. Kaya tumulong na lang sila sa gagawin naming reporting.



Natapos ang klase, kinailangan ko namang bumaba dahil nautusan ako para kunin sa prof namin yung copy ng mga lessons this past few days. Kaya naman hingal na hingal akong bumalik ng classroom dahil may susunod na klase pa dun.

*pant*

“Ah—“ nakasalubong ko naman si Ace. sabay bigay niya sakin ng bag ko.

“Tara na.” nauna naman siyang maglakad. Kaya sumunod na lang ako.

Sumakay kami ng elevator nang kami lang. hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Nung nasa grounds na kami, hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Nakakahiya talaga.. pero—

“Haha.” Narinig ko siyang tumawa.

“Bakit?”

“Natatawa kasi talaga ako sa nangyari kanina. Hahah.” Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mukha ko. shocks. Nagbablush ata ako.

“Bakit ka ba sumigaw?” tumingin siya sakin. Nagtama ang mga tingin namin.

Shet! Nakakailang..

“Huh?”

“Ah..” dapat ko bang sabihin sa kanya. “..uhm ang totoo..” nakakahiya.





“Ano bang tipo mo sa isang babae?” nakatungo kong sabi.

Nakita ko naman  yung reaction niya, mukhang nabigla siya sa tanong ko.

“Uhm.. I mean. Alam naman nating madami ring nagkakacruch sayo diba, so natanong ko lang kung anong tipo mo.” Aghh ano ba itong sinasabi ko. hindi dapat ako nag-iisip ng ganito kahit medyo close na kami. Baka.. baka mailang siya..

“Interested ka?” hindi ko na tiningnan ang reaction niya. Hiyang hiya na talaga ako.

“Ah eh.. sa tingin mo? Hindi ko alam, siguro..” bakit ako nabubulol. Nakakairita.. sigurado..



Mahahalata niya ako..



“Okay!”

Nagtaka naman ako sa sagot niya. Napatingin tuloy ako sa kanya. At biglang tingin din niya sakin.

Ngumiti siya sabay sabing..



“Liligawan na kita.”





Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali at parang gusto kong iconfirm ang nangyari kanina. Yung feeling na, gusto kong ipagsabi. At gusto kong humingi ng advice kung may chance na totoo talaga yung sinabi ni Ace.

Gusto ako ni Ace?

Talaga? Parang hindi totoo..



Hindi ako nakatulog ng mabuti buong gabi. Iniisip ko kung paano ako haharap kay Ace kinabukasan. Kaya naman naisip ko na lang na umabcent sa una kong klase,



Nagtext sakin sila Aira at tinatanong ang tungkol sa pag-abcent ko. Hindi kasi ako mahilig umabcent. At kung tatanungin ninyo kung bakit walang nagpaparamdam na Ace, yun ay dahil wala kaming contact sa isa't isa. Una, dahil crush ko siya kaya nahihiya ako.



At napag-alamanan ko din na abcent din pala si Ace kanina. At ngayong next subject ay mukhang abcent uli siya.





0917*** is calling..



Kinabahan naman ako nung makitang may anonymous number na tumatawag sa phone ko. Kaya nag-excuse ako sa prof. ko at dali daling lumabas.



*Ahehm*

Iniisip ko na si Ace ang tumatawag..

"Hello?.." kaso nagkamali ako.



Natapos ang buong maghapong klase pero walang Ace na nagparamdam. Mukhang hindi totoo ang lahat.

Nagpaalam naman ako kila Aira at pumunta na sa usapan ng mga dati kong kaklase nung highschool. Tinawagan kasi ako ng isa kong kaklase na magkikita ang buong klase kaya nagmamadali ako..



At hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari..



"Oi?" si Ace. Nasa lobby lang pala siya.

Lumapit ako sa kanya, "Nandito ka?"

"Hinihintay ka." biglang akong kinilabutan.. Or just say.. Kinilig.

"b-Bakit?" so totoo ba talaga ang lahat? May gusto nga ba siya sakin?.



Nakangiti lang siya. Kaso naalala ko na kailangan ko na nga palang umalis.

"Pasensya ka na, kaso nagmamadali ako ngayon. Bye!" agad akong tumakbo. Pero hinigit niya ang kamay ko.

"Can I atleast have your number?"

Yung puso ko, tumatalon sa kaba. Nakakahiya. Feeling ko nagbablush ako.



Pagdating ko sa place, nameet ko ang mga old classmates ko pero si Ace agad ang inasikaso ko. Katext ko siya. Hindi talaga ako makapaniwala. Nililigawan ako ni Ace. May gusto siya sa akin?

"So ano musta na kayo?" madami pang dumating sa mga kaklase ko. Konti na lang makukumpleto na kami.

Ngayon na lang ulit kami nagkita kita. Last month was the last. Nagkwentuhan sila. As always, hindi ko maiiwasang hindi ma-op. Mabuti na lang at katext ko si Ace.



"Si Rae patext-text na lang." nagulat ako sa pagsiko ng katabi ko sakin.

"Huh?" tumawa yung iba.

"Sabi ko ang ganda mo!" tss eto na naman si Gilbert sa hirit niya. Binelatan ko na lang siya. "May boyfriend ka na ba?" nakakapagtaka na biglang nagtawanan yung mga tropa niya.

Minsan hindi talaga mawawalan ng mga loko sa isang grupo..

Dumating naman si Marko.

"Wala man lang nagbago sayo, Rae."

"Meron ah." sabi ko. Nahuli ko naman na nakatingin sakin si Marko.

"Eh, may manliligaw ka na?" nagulat ako sa tanong ni Gilbert. Kaya tuloy nagtawanan sila. At napansin ko rin na tumatawa si Marko. Naiinis ako.. :(

"Oo.."



"Weh!? Wahahaha." ayoko nito. Ayokong pagtripan nila ako sa harap ni Marko.

Binato ko ng chihiria si Gilbert, "Kaklase ko siya no!" at ngumiti ako. Tinext ko naman si Ace.



Naging masaya ang pagkukwentuhan ng klase. Hindi na ako inintriga ni Gilbert. Ganon lang talaga siya, pati.. alam ng lahat na nbsb ako kaya big deal sa kanilang pagtripan ako pagdating dun. Bukod pa dun.. pinaasa ako ng isa saming magkaklase. I once had an affair with Marko.. pero bigla na lang niya akong binalewala isang araw at di na nagparamdam. Di na rin nga kami nagkakausap.

From Ace: Nkauwi k n?

Magrereply pa lang ako.

“??” bigla na lang akong sinundot ng mga kaibigan ko sa tagiliran.

“Oi si Marko may kadate oh.” Napatingin naman kami sa nagsisigawang tropa nila Gilbert.

May kasamang babae si Marko, hindi namin kilala. Nahuli naman nila akong nakatingin.

“Rae, nasaan boyfriend mo?” sigaw ni Gilbert sabay akbay kay Marko. Tumatawa siya. Pinagtatawanan ba niya ako!

“Drawing lang ata e.” narinig kong sabi ni Johnny.

Iniisip nila siguro na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove-on kay Marko. Oo, gustong gusto ko siya. halos magpakatanga ako sa kanya. Umabot sa puntong hindi ko inaakalang hindi pala ako sineryoso. Pinaasa..

Pero noon yun..

“Wag kayong mag-alala. Ipapakilala ko siya sa inyo!” naiinis kong sabi. At mas lalo tuloy silang nagtawanan.

Pero tinalikuran lang ako ni Marko habang inaasikaso niya yung kasama niyang babae. Naiinis ako sa kanya.. hindi ko akalaing ganyan siya. Akala ko.. mabait siya. Na ‘siya’ na. akala ko lang pala..



Sa school, walang nagbago sa trato sakin ni Ace. Parang lang yung dati. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala ang nangyari kahapon. Kinalikot ko na lang ang cellphone  ko.

“May katext ka?” nabigla ako sa tanong niya. I mean, hindi niya ako kausap pero bigla niyang tinatanong sakin ito.

Hindi ko alam ang isasagot ko. bigla na lang kasing pumasok sa isip ko ang pagdududa.

“Bakit?” tanong niya muli pero napatayo na lang ako at umalis.

Naiinis na naman ako. Natatakot ako. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin namin  napag-uusapan ni Ace ang tungkol sa panliligaw niya. Hindi niya pa sinasabi na gusto niya ako. Natatakot ako.. na baka mangyari na naman sakin yung nangyari. Takot na akong maiwan.. at umasa..

Hindi ako sinundan ni Ace noon. Pero tuwing mag-uuwian na, sabay naman kaming uuwi. Tahimik lang kaming naglalakad. Wala siyang sinasabi.

“Sige, bye.” Nasa sakayan na kami. Sakayan kung saan pwede na akong umuwi. Ganito naman lagi ang ginagawa namin tuwing nagkakasabay kami sa uwian noon..

“Sandali.” Nagulat ako sa ginawa niyang paghigit sa kamay ko..?

“Uuwi ka na ba talaga?”

Nakakunot ang noo niya. Saan siya naiinis? May ginawa ba ako?

Tiningnan ko yung cellphone ko. nagbabakasakaling nagtext sila Jana para magyaya na naman.

“Bakit?” yun na lang nasabi ko.

Hindi agad siya sumagot. Nakahawak lang siya sa kamay ko. Pero sa huli binitawan niya ito. Pinilit niyang ngumiti.

“Bye na din. Ingat ka. Text-text na lang.” at tumalikod na siya paalis.

Napatingin ako sa kamay ko. nadisappoint ako. Ewan ko.. pero naramdaman ko na ayoko pang umuwi. Gusto ko talaga na.. masakama muna siya. Na ‘kami lang.



Lumipas ang isa.. at dalwang araw. Ganon pa rin kami. Nakakainis nga e. siguro may pagbabago. Yung times na ngumingiti siya sakin pagnahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Nakakahiya din. pero kahit na kelan hindi ako nag-initiative..

Pagkatapos naman ng klase namin, nagkayayaan na naman ang barkada nila Jana na magmall. Syempre kasama kami ni Ace. Kaya kami sabay na kaming pumunta. Hindi naman yun nabago. Ang bago lang, yung nilibre niya ako ng pamasahe. Pero alam ko naman na mamaya pagkasama na ang barkada.. siya na ulit ang usual na Ace.

Yun ang akala ko..

“Anong gusto mong kainin?” kinukuha ko pa lang yung wallet ko nung tanungin niya ako niyan.

“Huh?” napalingon naman ako kila Jana. Baka kasi makita nila kami. “Hindi na, ako na.”

“Ako na nga lang magdedecide.” Umalis naman siya. nagulat ako sa ginawa niya kaya agad ko siyang hinabol at hinigit sa kamay.

“Ano ba itong ginagawa mo?” sabi ko. binigyan niya lang ako ng nagtatanong na mukha. “Baka kung anong isipin nila Jana. Ako ng bibili na akin.”

Mas nabigla ako sa sunod niya sinabi.

“Ano naman? May masama ba sa ginagawa ko? Natural lang ito.” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Pero tama naman siya. Siguro naman hindi lalagyan ng meaning nila Jana yun. Kahit na may malisya talaga dun.

Ibibigay ko sana yung bayad ko—

“Ako na.” ngumiti siya at umalis.

Hindi ko na talaga maintindihan si Ace. Pero mabuti na lang ay wala namang sinasabi sila Jana nung habang kumakain kami.

Nagdecide din ang barkada na manood ng sine. Horror movies nga lang ang napili nila. Pero dahil ayaw nila ng kj kaya ngayon ay sasama ako sa kanila. Kahit ang totoo ay ayoko. Hindi rin kasi pwede ang excuse. Magagalit sakin si Jana.

"Iba na lang panonoorin namin ni Rae." napatingin naman ako kay Ace. Ganon din yung iba, naagaw niya ang atensyon.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang nasa isip ko lang ay 'bakit ito ginagawa ni Ace? Iniisip ko na baka kung ano ang sabihin nila Jana. Hindi ba gusto niyang itago ang relasyon namin?..

"Yabang mo tol!" narinig ko na lang na nagsalita si Jesper sabay akbay kay Ace.

"Uhh ano--" magpapaliwanag sana ako sa sinabi ni Ace.

"Oo nga. Pumoporma ka a." sabay sabi ni Jana.

"Gusto pang solohin si Rae!"

Sunod sunod nilang sabi. Nalilito ako!

"Baka may binabalak itong si Ace." bigla akong binanas. "Ahahahah." feeling ko ang pula pula na ng mukha ko.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Ang alam ko lang nakakahiya ito! Hiyang hiya na ako..

"Ano bang sinasabi ninyo!?" nagsalita na rin si Ace. Medyo inis siya pero gaya ko.. mamula mula na din siya.



"Hindi pa kami nakakapagdate ng matino ni Rae.. kaya.."

Nabigla ako sa sinagot niya. Wala akong maintindihan. Naguguluhan ako. May alam ba sila Jana? Sinabi ba ni Ace? Pero.. bakit..

"Basta wala kang gagawing masama kay Rae a!" nagtawanan sila. At iniwan kami ni Ace.



"Ah--" wala talaga akong naiintindihan. Susundan ko sana sila ng mapansin kong hindi man lang kumikibo si Ace. "Uhm.." sabi ko na lang pero ang totoo wala akong masabi..

"Anong gusto mong panoorin?"

"Huh? Ah.." bakit ganon. Parang hindi big deal sa kanya. Gusto kong itanong.. "Hmm ikaw ang bahala." ngumiti na lang ako.

This time hindi na ako pumayag na libre ako ni Ace sa ticket pero mapilit talaga siya. Kaya nagkasundo kami na ako na lang sa food, nag-agree naman siya. Cartoons ang pinanood namin at hindi ko alam kung bakit. Mas gusto ko naman ito kesa sa pinapanood nila Jana. Pati naenjoy naman namin ang panonood.


"Haha ang cute no!" tumawa naman ako at tumango. Tawa kami ng tawa ni Ace habang palabas ng sinehan.

"So ano, saan tayo sunod?" tanong niya. Pero naalala ko sila Jana.

"Nagtext ba sayo sila Jana?" tiningnan niya phone niya at umiling. Hindi din nagtext si Jana sakin.

"Maupo muna tayo. Itext ko na rin sila."

"Ah mag-cr lang muna ako." sabi ko naman.

"Sige dito lang ako."



Iniwan ko siya at pagbalik ko nakasalubong ko naman ang mga kaklase ko nung highschool ng di ko inaasahan.



Sila Marko.

Natakot ako. Hindi ko alam ang irereact ko. Nakatingin sila sakin. Hindi ko alam kung babatiin ko sila o..



"Oi--" tatawagain ata ako ni Gilbert pero mabuti na lang nakita ko agad si Ace.

"Ace!" lumingon naman agad siya.

Nginitian ko sila Gilbert habang nilalagpasan ko sila. Lumapit naman ako kay Ace.

Hindi ko alam kung bakit ako umakto ng ganito. Pero sa puso ko may gusto akong patunayan kay Marko. Gusto kong makita niya kami ni Ace.

Tumingin ako kila Gilbert. Napansin ko ang pagbubulungan nila at ang reaction ni Marko. Tama, dapat niyang malaman na wala na siyang ibig sabihin pa sakin. Wala na siyang karapatang mag-isip na nasasaktan parin ako sa ginawa niya.

"Ace, mga kaklase ko noon. Guys, si Ace..







ang boyfriend ko."

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para masabi yun. Nagawa kong sabihin yun ng nakatingin ng diretso sa mga mata ni Marko.

Hindi ko maialis sa isipan ko ang expression ng mukha ni Marko. Naramdaman ko na naman ulit ang sakit na pag-iwan niya sakin sa ere. Ang pagpapahiya sakin. Mabuti nga kay Marko. Gusto kong maramdaman niya yung sakit. Ang ipamukha sa kanya na.. ‘hindi lang siya ang lalaking pwede kong mahalin..’

Pero..



Mahal ko na nga ba agad si Ace?



“Ahahah.” Nagkukukwentuhan ang barkada. Nandito kami sa pinakamalapit na kainan sa school.

Apat na araw na ang lumipas pagkatapos nung pangyayaring iyon sa mall. At dalwang araw na kaming ganito ni Ace. I mean..

“Ah iyo na lang.” binigay naman niya sakin yung natitirang brownies na inorder niya para sa kanya.

“Aww ang sweet.” Sabi pa nila Aira..

At hinawakan pa ni Ace ang kaliwang kamay ko habang kumakain kami sa harap nila Aira.

“Sabi ko na e, kayo rin talaga!”

“Nakakatuwa. Wag mong sasaktan yan Ace a!”
Ganito si Ace. Palagi siyang sweet sa harap ng mga kaibigan ko—hindi lang pala. Kahit sa public. Ang makipagholding hands kahit madaming tao. Palagi niya akong kinukulit. Tinatanong ng kung ano anu, gaya ng kung anong ginagawa ko. kung kumain na ako. Kung kumusta na ako. Pag hindi kami magkasama, itetext niya ako..

Kung umakto siya, parang KAMI NA!

Oo, nililigawan niya ako. Wala namang masama kung umakto siya ng ganyan. Pero bakit pabigla bigla siya. hindi siya ganyan.. naging ganyan lang siya pagkatapos ng pangyayaring iyon sa mall.

Hindi naman kaya.


namisunderstood ni Ace ang sinabi ko. Iniisip niya siguro na sinagot ko na siya dahil pinakilala ko siya bilang nobyo ko.

“Dito na lang Ace?”

“Huh? Agad agad?” nagpout siya sabay ngiti.

Ang cute niya.. gwapo naman si Ace e. Pero bakit ganon..

Hindi ko siya feel. Simula ng maging ganyan siya sakin. Parang hindi na siya yung Ace na gusto ko.

“Hmf. Sige na nga. Text na lang kita—“ nagulat ako ng hagkan niya ako sa right cheek ko.

“Bye!”

Napahawak ako sa pisngi ko na hinalkan ni Ace. Gusto ko si Ace.. pero bakit hindi ako Masaya.. Siguro dapat pag-usapan namin ito.



Bzzt.. Bzzt..

Nakatanggap naman ako ng text galing kay Mae, kaibigan ko nung highschool. Pinapapunta niya ako sa birthday-celebration ni Miko. Naisip kong pumunta para makapagpahinga naman ako sa kakaisip sa mga nangyari this past few days.

Kaso hindi ko inaasahan na nandun si Marko. Akala ko sinasadya talaga ni Marko, pero napag-alamanan kong may mga kabarkada pala si Marko dun. Hindi sila Gilbert ang tinutukoy ko. mga hindi ko kakilala.


“Rae, iinom lang ako.”

Naiwan ako sa table ko. kahit ayoko, hindi ko napigilang hindi pansinin ang kanina pang nagba-vibrate na cellphone ko. at this time, tumatawag pa siya. si Ace. Napabuntong hininga ako. Di ko tuloy sinasadyang mapatingin sa part ni Marko.

Nagtama ang mga tingin namin. Napansin ko na nag-iisa siya. gaya ko, iniwan din siya ng mga kasama niya. Bago pa maging weird, umiwas na ako ng tingin sa kanya. At sinagot na lang ang mga text ni Ace.

Nagulat na lang ako nung tumabi siya sa bakanteng upuan na katabi ko.

Binati niya ako. Ngumiti naman ako na parang okay lang sa akin. I’m being fake. Ayoko kasing magka-ilangan kami na parang may something.. pa.

Maya maya pa ay may dumating na clown. Nakinig kami ni Marko ng walang reaction. After 10 mins. Na pag-iintroduce dun sa clown, bigla kaming natawa. As in sabay at mukhang parehas kami ng iniisip. Hahaha tawa kami ng tawa. 17 na kasi si Miko, naisip rin siguro ni Marko kung bakit may clown. Tawa pa rin kami ng tawa hanggang sa magsimula ng magmagic yung clown kaya sabay kaming lumapit at magkatabi pa kami.


Yun ang simula ng pagiging close ulit namin..


Kinuha ni Marko ang cellphone number ko. at walang pag-aalinlangan kong binigay sa kanya yun. Pagkatapos din ng gabing yun, palagi ko ng nakakatext si Marko. Hanggang sa dumating yung puntong umamin siya sakin na ‘mahal pa rin niya ako.




“Rae, anong ginagawa mo!?” agad kong naitago ang cellphone ko.

Nakangiti pa rin siya. wala siyang nabasa? Diba?

“Palagi ka atang may katext?”

“Ahh.. oo. Yung kasing mga kaklase ko nung highschool. Kinukulit nila ako na sumama ulit sa kanila. Alam mo naman..” nahihiya kong sabi.

“Haha. Okay lang yun!” ngumiti siya. siguro wala namang alam si Ace. Hindi naman siguro siya maghihinala dahil alam niya kung gaano ako kaclose sa mga kaklase ko nung highschool. Alam din niya na malimit akong makipagkita sa mga ito, kahit nung hindi pa kami close.


Hindi siya maghihinala na si Marko ang katext ko. na si Marko.. ang unang lalaking nagustuhan ko.




“Rae!” lumingon ako sa taong tumawag sakin.

Ngumiti ako.

“Marko..” oo, nakikipagkita ako kay Marko.

Masaya kasi ako pagkasama ko siya.

Simula lalo nung sinabi niya na palagi nyang pinagsisisihan na iniwan niya ako. Na naduwag lang daw siya na makipagrelasyon sakin dahil sa kabarkada niya sila Gilbert. Natatakot siyang mapagtripan kami ng mga ito. Naiintindihan ko siya. mahirap nga naman yun. Pero simula daw na magkaboyfriend na ako, naramdaman daw niya ang takot.. ‘na hindi pala niya kaya.

Tuwang tuwa ako. Masaya ako..




“Rae!” nakangiting lumapit sakin si Ace. Nagulat ako. Nakakainis, ang bagal ko kasi. Dapat kasi tatakasan ko siya.

“Uwi na tayo?” nakangiti niyang sabi. Kaya tumango na lang ako.

Hanggang gate lang at ako’y nagpaalam na. May usapan kasi kami ni Marko. Gumawa na lang ako ng excuse at gaya pa rin ng dati, nakangiti lang si Ace at hinahayaan lang niya ako.

Nakipagkita ako kay Marko, pero hindi ko alam na kasama niya pala sila Gilbert. Nung una natakot ako, pero nung malaman ko na may alam na pala sila Gilbert. Hindi ko na tuloy alam ang irereact ko. tinukso nila kami pero hindi na si Marko yung mahiyain, pinaglalaban na niya ako. Kaya tumigil na lang sila Gilbert sa pantitrip at hinayaan na lang kami ni Marko.

Habang naglalakad.. dahan dahang hinawakan ni Marko ang kamay ko. natawa ako. Pinakita pa niya talaga sakin at hinigipitan ang hawak sa kamay ko. nagbablush siya. natatawa ako kay Marko. O sabihin nating.. kinikilig ako sa ginagawa niya.



“Rae!”

“Ano ba Gilbert!” nangungulit na naman si Gilbert. Umaktong papatulan ni Marko si Gilbert pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

Nagtawanan kami at walang tigil kaming tinukso nila Gilbert. Nakakahiya.. sabi ko na ito ang mangyayari kapag nalaman nila. Haha



Naputol ang kasiyahan nung..


makasalubong namin siya at magtama ang mga tingin namin.

Hindi ko alam kung bakit.. hindi ko agad inalis ang mga tingin ko sa kanya habang.. hawak hawak ng ibang lalaki ang kamay ko. Blanko ang expression ng mukha niya habang nakatingin samin. Napatigil na lang kami.. habang patuloy lang sila Gilbert sa paglalakad. Inalis ko ang kamay ni Marko.

 Nakatingin lang samin si Ace, habang naiwan na rin siya ng mga kasama niya.


“Pare—“ nagsalita si Marko para siguro putulin ang malamig na aura na nanggagaling sa pagitan namin ni Ace.




“Ayun! Naalala ko na.” nagulat kami sa bigla niyang pagsasalita. Ngumiti pa siya. “Pwede ba akong makahiram ng notes sa Algebra?” inabot niya ang kamay niya.


Gustong pumatak ng mga luha ko nung mga sandaling yun. Nung mga sandaling antanga tanga ko na kinuha ko naman ang notebook ko at binigay sa kanya at hinayaan pa siyang umalis. Yun na ata ang pinakaTANGANG ginawa ko!




“Si Ace?” dalwang araw na walang pasok at dalwang araw na walang communication. At ngayon.. nawala pa si Ace na hindi ko pa nakakausap.

“Umalis a. Siguro hinahanap ka rin! Ayiii~”


Guilty’ng guilty ako. Hindi pinaalam ni Ace kahit na kanino ang kagagohang ginawa ko. Kahit kila Jana. Kahit hindi niya sabihin at hindi niya ako kausapin, alam kong galit siya.



“Ace!” inabangan ko talaga siya para sabay kaming umuwi.

Nakatingin siya sakin. “Oi!” at nilagpasan para kunin ata ang bag niya.


“Sabay tayong umuwi.” Ang kapal ng mukha ko. siguro yan ang iniisip ni Ace. Totoo naman kasi...

“Ahh..” lumingon siya sakin. Nagulat ako nung makita ko ang galit sa mga expression ng mukha niya.


“Hahahhaha. Ano bang reaction yan! Kung makikita mo lang yung mukha mo. Hahahah. Sige sige! Hintayin mo lang ako sa elevator. Ibabalik ko lang kay Mark itong notes. Sige!” at umalis na siya.



Ginawa ko ang sinabi niya. Hinintay ko siya sa elevator.. 10 minutes.. 30 minutes. Hanggang sa tumulo na ang mga luha ko. antanga tanga ko.. galit nga pala si Ace sakin. Bakit naman siya sasabay sakin. Ang kagaya ko! hindi dapat pinapatawad! Ang sama sama ko! sinaktan ko siya.. ginawa ko lang..



ang ginawa ni Marko sakin noon..



“Rae! Sorry nalate ako!” narinig ko naman ang boses niya. “..Pinaphoto copy ko pa kasi yung ibang notes ni Mark. Antan--” Nagulat siya nung mapatingin sakin.

*sob*


Napahawak ako sa bibig ko.

“b-Bakit ka umiiyak?” pagkatanong niya nun. Hindi ko na napigilan ang pahagulhol. Iyak ako ng iyak hanggang sa mapaluhod na ako.


Mahal ko na pala si Ace. Hindi ko agad napansin dahil masyado akong nakatingin sa nakaraan. Masyado akong natakot.. masyado akong nadala sa mga pangyayari. I’m so selfish! Bakit hindi ko agad narealize ang lahat.. bakit kailangan pang masaktan si Ace.




Nakipagkita ulit ako kay Marko, kinausap ko siya tungkol sa lahat. Humingi ako ng tawad. Nung una hindi siya pumayag. Minahal na nga talaga ako ni Marko. Pero sinabi ko sa kanya na naguluhan lang ako dahil masyado akong nasaktan sa mga ginawa niya noon na akala ko minahal ko siya. dahil masyado niya akong nasaktan. Sa huli wala din nagawa si Marko. Pinatawad niya ako.. kahit kitang kita ko na nasaktan ko talaga siya. Wala na akong connection sa kanya.



It’s been a week. Gaya ni Marko, iniwasan ko rin si Ace. At ngayon na lang ulit ako makikipag-usap.




“I’m sorry.” Agad kong sabi.

Matagal siyang sumagot.




“Hahaha! Antanga no! Sorry din.. akala ko kasi sinagot mo ako nung araw na yun. Ang bobo lang.” Tumingin siya sakin ng may ngiti. “Okay na ako sa lahat.”


Nung pagkasabi niya nun. Hindi ko napigilang hindi mapaiyak. Tumungo ako.


“Fuck that!




Kailan ko ba narinig sayo na ‘gusto mo ako.. *sob*”

Siguro nga, na action speak louder than words. Na tatanga tanga ako na hindi ko pa malaman na sa kilos at sa trato sakin ni Ace ay gusto niya ako. Pero.. at least man lang marinig ko sa kanya yun.


“Ace, *sob* Hindi sapat ang ipadama mo sa isang tao na special siya sayo. Dahil minsan.. ang tao takot maniwala. Ang tao.. selfish yan. Gusto din nilang marinig at maramdaman na mahal sila ng taong mahal nila. Mahirap kasing maniwala.. baka kasi.. umaasa lang pala kami..


Ace, masaya ako na nagustuhan mo rin ako. *sob* I’m sorry na nagawa ko sayo yun. Alam mo kasi—“ pumiyok pa ako. Shetness.. hindi ako sanay na umiiyak sa harap ng ibang tao. Pero gusto kong malaman niya lahat ng nilalaman ng puso ko.


“Alam mo.. may isang tao nagsabi sakin na mahalaga ako sa kanya. Na special ako. Magaling siya sa salita.. pero hindi mo gaya.. hindi siya magaling sa gawa. Antanga ko lang *sob* mas pinaniwalaan ko yung mga salita niya na hindi totoo.. at nagbulag bulagan ako sa mga ginawa mo.


 Natakot ako na umasa muli sa wala. Kaya nung ipadama sakin ni Marko na mahal niya talaga ako.. ang gusto ko lang maging masaya. Feeling ko.. *sob* uwaaaah..” hindi ko na kinaya.


Ang sakit sakit talaga. Baka kasi pagkatapos nito.. iwan ako ni Ace. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya. pero baka.. baka.. iwan niya lang ako. Masasaktan na naman ako. Mawawala na naman sakin ang mga taong minamahal ko..



“Natatakot ako Ace!” tinakpan ko ang mukha ko ng mga kamay ko at umiyak ako ng umiyak.



Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Ace ang magkabilang balikat ko at naramadaman ko na lang na niyayakap niya ako.



“Alam mo, napakatroublesome mo. Ikaw talaga. Ito ang tatandaan mo,


Hindi porke nasaktan ka sa una.. pangalwa.. ay ibig sabihin masasaktan ka na lang na masasaktan.  To hurt and to be hurt is the most natural thing in this world. At hindi ibig sabihin nun, hindi na nating kailangang magtiwala. Sometimes, kailangan talaga nating masaktan para may matutunan tayo sa mga masasamang pangyayari sa buhay natin. At alam mo.. nung masaktan ako. Dun ko natutunan na..


Shet! Mahal ko itong babaeng ito! Bakit hinahawakan siya ng ibang lalaki!


Pero narealize ko, na hindi naman kita pag-aari e. hindi ka bagay na pwede kong angkinin. Girlfriend lang kita, at may karapatan ka para gawin ang mga bagay na gusto mo..” naramdaman ko ang pagpatak ng likido mula sa likod ko.


Umiiyak na din si Ace.


“Matagal ko ng gustong pagsigawang..



Mahal na mahal kita.





Natatakot lang ako na baka magbago ang relasyon natin pagginawa ko yun. Dahil baka maramdaman mo na magkaiba pala ang nararamdaman natin sa isa’t isa. Kaya minabuti ko na ihulog ang damdamin mo sakin. Hanggang sa makasigurado na ako na pantay na yung nararamdaman natin.




Pero mali ako! Hindi pala nasusukat ang pagmamahal..



Rae, tayo na lang?







Please? Akin ka na lang..” tumulo ulit ang mga luha ko at mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Ace.






“Oo, mahal na mahal kita Ace!”
HTML Comment Box is loading comments...