1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

Entry 2:

“My mom?!”

“She’s okay now.”

“Thank you! Thank you. Thank you.” I rushed into my mother’s room.

Nakita ko ito na nakatulala at parang malalim ang iniisip. Napansin naman niya ako.

“Era..” ang hina ng boses niya.  Pinipigilan kong wag umiyak. Nakikita ko kung gaano kahirap kay mama ang sitwasyon niya.

Naupo ako sa tabi ni mama at hinawakan ang kamay niya.

“Mom..”kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na napigilan ang sakit na nararamdaman ko at nayakap ko na ang mama ko.

“Era.. diba I already told you..” hinaplos haplos niya ang buhok ko. mas niyakap ko tuloy siya ng mahigpit. Napaiyak na ako ng tuluyan.


Pang 5 beses na’to ni mama sa hospital pagkatapos niyang lumabas din dito, dahil sa sakit na cancer. Sabi ng mga doctor.. stage 2. At may posibilidad na umabot si mama ng stage 4. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang makita si mama na nagkakaganito. Ang makita siyang nahihirapan. Ayokong mawala si mama.. pero mas ayaw kong makitang mas nahihirapan siya sa kalagayan niya.


“Era..



I decided to stop responding to treatments.”

“Ma!” halong pagkabigla at pagkainis ang naramdaman ko nung sabihin niya yun.





“At gusto kong.. makasal ka. Bago ako mamatay..”

Parang akong binunotan ng tinik sa katawan.


Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman dahil sa last favor na yun ni mama. Parang biglang nawala sa isip ko ang tungkol sa una niyang desisyon nung maisip ko ang tungkol sa kasal. Hindi ko alam kung mahihirapan ba ako sa favor niyang yun. Hindi ko alam kung magagalit ba ako.. dahil imbes na sarili niya isipin niya. ako pa rin.. ang inaalala niya.

Sa huli.. naisip ko din na siguro mas mabuti ito kay mama. Na mas mabuting itigil na niya ang pagkuha ng iba’t ibang medication. Na dahilan din para mas lalo siyang mahirapan. Siguro mas mabuti na.. magpahinga na lang si mama sa tamang oras.


“Uuwi kayo ng Pinas?” tumango ako.

Nag-iimpake na rin ako para sa pag-uwi namin.

“Sang-ayon ako sa desisyon ni tita. Okay din naman.. dahil nasa Pinas naman si Albert. Sigurado ako na hindi niya pababayaan si tita..” bigla naman siyang tumahimik. Hindi na lang ako nagsalita dahil madami pa akong aayusin.

“Yung tungkol sa kasal..” naagaw naman ang atensyon ko nung mabanggit niya yun.

Humarap ako kay Red.


“..talaga bang babalikan mo si Slater yung ka-MU mo? Talaga bang.. siya lang ang naiisip mo na pwedeng mong..” medyo natawa ako. Siguro ay naiilang siya tungkol sa kasal.


Nabanggit ko kasi kay Red na nagbabakasakali akong makipagbalikan kay Slater. Kung magpapakasal man ako.. si Slater lang ang pwede kong asahan. Dahil siya lang ang huling lalaking minahal ko kahit habang nandito pa ako sa States. Kahit napakaimposible man.. gusto kong subukan.

“Diba sinabi ko naman sayo.. kung magpapakasal man ako sa harap ni mama. Ayokong maging fake-marriage. At gusto ko.. sigurado ako sa taong yun. Na siya talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Na magiging masaya ako sa kanya..”

Hindi siya makatingin sakin.

“Then .. Goodluck—“ agad kong niyakap si Red.

“Baliw! Pwede mo naman akong sundan sa Pinas e!” niyakap din naman niya ako.. ng mahigpit.


Nung iniimpake ko ang mga gamit ko. nakita ko pa ang mga alaalang.. kahit na kailan ay hindi nawala sa puso at isipan ko. Napapangiti ako.. at nasasaktan sa tuwing nakikita ko ang mga alaalang ito.
Mga sulat.. galing kay Slater.



Si Slater.. ang 3 years crush ko nung college. Graduation noon nung maisipan kong magconfessed sa kanya. Lakas loob akong nagtapat at sinabi sa kanya lahat lahat. Kahit hindi naman na kami ganon kaclose. Kahit 1 sem ko lang siya naging kaklase. Kahit hindi naman kami madalas magkabatian sa tuwing nagkakasalubong kami. Mahal ko siya..

Wala akong inexpect noon. Ni hindi ko inisip ang magiging kapalit ng confession na yun.ni hindi nga sumagi sa isip ko na magkakagusto rin siya sakin dahil sobrang napakaimposible. Pero.. 2 weeks pagkatapos noon, gusto niyang makipagkita sakin. At dun nagsimula ang closeness namin. Kaso after a week din.. nagdecide ang mama ko na ipasunod ako papuntang states para narin sa career ko.


‘kailangan mo ba talagang umalis?’
‘hmm.. ganon talaga. Para sa future. Maganda rin sa States!’ magkaibigan lang kami noon. Pero sobrang close namin.
‘sigurado marami kang mamimiss.’
Natawa ako. ‘oo naman. Sila alexis, jessa, tin, hahaha mga kamag-anak ko. classmates. At madami—‘
‘--Ako?!’



Naalala ko pa yung mukha niya nung mga sandaling yun. Namumula siya. yung mga mata niya.. yung magkasalubong na kilay niya. napansin ko rin noon yung mga labi niya  na nagpapout habang sinasabi niya ang ‘ako..’


‘mamimiss din..—KAYONG LAHAT!’


Hindi ko naisip nung mga sandaling yun ang magconfess ulit kung gaano ko pa rin siya kagusto. Kung gaano pa rin ako nagagwapuhan sa kanya. Na ang saya saya ko sa tuwing kasama ko siya. hindi dahil sa natatakot ako.. kundi dahil ayokong umasa na may mangyayari. Kasi wala na.. dahil aalis na ako. Wala na kaming chance.

Hindi nga siya pumunta nung despidida. Ni wala siyang pinabigay man lang. pero hindi ko rin naman naisip na balewala lang yung pag-alis ko para sa kanya. Kasi sa tuwing maaalala ko yung mga sandaling nakakasama ko siya kahit 3 weeks lang yun. Yung madalas kaming magkatext na halos abutin kami ng madaling araw. Yung kapag napagtiripan ako sa kanya ng mga kaklase ko.. sumasakay siya. at halos kiligin ako sa kanya araw araw. Satisfied na ako sa lahat. Na kahit sa pag-alis ko… hindi ko na inexpect na magpaparamdam siya.

Hindi ko pa ineexpect na.. magsisingit siya ng isang sulat sa bag ko. nakakatawa talaga. Pero ang totoo kinikilig ako at sobrang saya. Ang korni man. Pero sobra niya talaga akong napasaya. Punong puno ng kakikiligan ang laman ng sulat na yun. At dahil gusto niya na sulatan ko rin siya. yun na rin ang naging dahilan para magkasulatan kami sa isa’t isa. gusto ko sana na thru fb na lang.. pero siguro nga mas may effort kapag sulat.

At isang araw.. di na siya nagreply. Nahihiya naman akong ichat siya sa fb tungkol sa sulat kaya never rin akong nagparamdam sa kanya. Oo. Gusto namin ang isa’t isa. pero wala akong kasiguraduhan kung yung ‘gusto’ na yun.. parehas kami. Hanggang sa.. nawalan na nga kami ng connection sa isa’t isa.


Limang taon na rin ang nakakalipas at halos wala na rin akong balita sa kaniya. Kaya umaasa ako.. na maaayos ang lahat pagbalik ko.


"Tita!" dumating narin kami sa pinas. At halos maggabi narin nung dumating kami sa bahay sa ni Tita Violeta, mommy ni Red.

Habang nagpapahinga naman si mama, naisip ko naman na mag-ayos ng gamit. Yung package box. At napansin ko sa tabi ng padala ni Red, may isang red box. Isang bouquet ng flowers ang laman nito. Pati.. isang sulat.

"Shiera." biglang pumasok si tita sa kwarto ko.

Nilagay ko naman sa bag ko yung sulat.

"Tita." binigay ko naman kay tita yung pinadala ni Red.

"May tawag ka sa phone." tumango ako. "Yung bulaklak.. galing kanino." napalingon ako dun sa bulaklak na nilagay ko sa lamesa.

"Hindi po ako sigurado kung para sakin. Pero may kasama pong letter." ngumiti ako at bumaba na ng kwarto.

Galing kila Alexis. Alam na pala nila na nasa Pinas ako. Sila ang mga kabarkada ko nung college pati highschool. At gusto nila akong mameet bukas.

1pm sa may plaza. Makikipagkita ako kila Alexis. Mga 12:00 naman ako umalis sa bahay at mga 45 mins. ng dumating ako sa meeting place. Pero di ko inaasaha ang makakasalubong ko. At gaya parin ng dati.. walang pinagbago ang pagtbok ng puso ko. Kinabahan ako pero sobrang saya ko. Finally nagmeet ulit kami after 5 years.



"Slater.." parang may kung anung tumusok sakin. Masakit na makita ang malamig na tingin niya.. Kahit masaya siyang nakangiti.

"Nandito ka na pala. Kasunod ko lang sila.." medyo nagtaka ako sa sinabi niya pero naagaw ang atensyon ko nung makita sila Alexis sa likod niya.

"Era!!" ni-group hug nila ako.

"Luka, ang puti puti mo. Ang ganda mo teh! Nagmake up ka ba!?" sunod sunod na sabi ni Alexis. Beki kasi ang isang ito at medyo may pagkasaway. Umiling ako sa tanong niya dahil di maman ako nagmake up ngayon.


Napatingin naman ako sa mas umagaw ng atensyon ko.

"Kumusta na, Era?" napakasincere ng ngiting yun habang.. magkaholding hands sila ni Slater.

"Ayos lang naman ako.. Ivanna.” Hindi ko maiwasan na magreact sa nakikita ko, sana nga lang ay hindi weird ang pinakita ko sa kanila.


Nalaman ko nga na sila Ivanna at Slater, 9 months ago pa. At pansin ko nga na couple na couple nga ang dating nilang dalwa. Kaya pala nandito si Slater.. Na akala ko tadhana talaga ang nagdala sa kanya para magkatagpo ulit kami.  Yun pala.. boyfriend siya ng isa sa mga kabarkada ko. And of all people.. si Ivanna. Si Ivanna na may crush sa kanya noon pa. Si Ivanna na akala ko hindi niya gusto.  Si Ivanna na may pagkaflirt at pagkaplay-girl. Naging sila ng babaeng.. hindi ko makasundo noon sa grupo. Pero still.. kaibigan ko pa rin naman si Ivanna. At siguro nga mahal na mahal nila ang isa’t isa para tumagal sila ng 9 months.

Hindi ako nagtagal kasama nila Alexis. Nagpaalam ako na hinihintay ako ni Tanya. Since gusto rin naman akong makita ni Tanya. At para narin.. makatakas ako sa awkward situation na ito..


“..pagkatapos! Ahh ayun nga— HEY!!!” napakurap ako ng hampasin ako ni Tanya sa hangin. Umayos ako ng upo.

“Nakikinig ka ba?” inirapan niya ako.

Medyo napaisip ako sa kinukwento niya, “Oo naman. Sabi mo.. kayo na ni Lorence. Congrats sis.”
“Hmf! Parang naman ayaw mong making sa kwento ko e.” sumupo siya ng slice ng cake.

“Nakikinig ako! Diba 3 taon ka ring niligawan ni Lorence tapos.. finally kayo na rin..” ngumit ng papilit si Tanya.

“Tell me.  Ano bang gumugulo sa isip mo.” Umiling ako. Hindi ako handa sa masasabi ko kay Tanya. At sa pwede kong ikwento sa kanya. “I’ll listen. Whatever bothers you.”

Pero sa huli natalo pa rin ako. She’s my cousin. At sobrang close kami sa isa’t isa. iisang highschool at University ang pinasukan namin. She’s like a bestfriend to me.



“I wanna get married..                                                                            siguro after a month.”


Dahan dahan niyang inalis yung straw sa bibig niya. at lumunok habang nakatitig lang sakin. At sabay na naubo.


“*ubo* *ubo *ubo*”  nakakatawa ang itsura ni Tanya. Ang pula pula na niya. Late reaction pa.


“a-Are y-youuu ffffor re-re-reaal! *ubo* *ubo*” tumango naman ako.

Mga 10 seconds pa bago siya makarecover.




“OH MY G!!! may connection ba ito kay Slater!? It’s a bullshit you know Era! You wanna get married simply because you’re still in love with that guy! And the fact na hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin!

Nakita mo siya! Ano! With someone—AGGGH hindi ko ba nabanggit sayo nung nasa States ka pa na may gf siya!? Damn kung hanggang ngayon pala e mahal mo pa rin siya. edi sana—“


“My mom stops responding to treatments. She’s dying, Tanya.” Natigil lang siya sa pagsasalita nung magsalita ako. Natulala siya sa sinabi ko. umiwas naman ako ng tingin sa kanya.
 
“Gusto niya akong makitang ikasal bago pa man siya mabawian ng buhay. I’m too old na rin naman at dapat na ring magpakasal. 27 years old. Haha. Alam mo naman Tanya na wala akong nagawa para kay Papa noong.. nabubuhay pa siya. Kaya sana para kay mama.. may magawa ako..” hindi ko alam kung magiging exciting pa ba ang wedding plan na gusto ko. kung yung taong gusto kong makasal ay.. nakatali na sa iba.



“What should I do?”




Pinakilala ako ni Tanya sa mga kakilala niyang bachelor. I’m not in the mood para makipagdate kung kani kanino. Pero wala rin akong choice since sira na rin naman ang plans ko. Kailangan kong magtiis. Isang buwan lang palugit ko. Kailangan kong makasal sa kahit na sinong lalaki. Ayoko mang pagdususahan ito sa huli pero wala rin akong magagawa. I already made my choice. Hindi rin naman fake marriage ang solosyun ko sa problemang ito. Gusto kong.. matupad ang huling kahilingan ni mama na iyon para sakin.


Siguro naman.. may makikilala akong isang tao, na kahit sa maikling panahon ay matututunang kong mahalin.


“Hi. I’m Ken.”
“Trey nga pala.”
“Arnold :)”

“Shiera Marasigan.” Nakipag kamay ako sa kanya.
“Totoo pala talaga ang sinabi ni Tanya. Maganda ka nga.”

9:00 in the morning, I’m already dating different guys. At di ko napansing maghahapon na pala.

“Masarap ba?” tumango ako ngumiti. Pang-apat na lalaki na ‘tong kaharap ko. at parang.. nakalimutan ko na rin ang pangalan niya gaya ng iba.

Hindi pala masarap sa pakiramdam na marami kang dinedate sa isang araw. O.. talagang hindi ko naman talaga naeenjoy ang date na’to.

“Uhmm.. Shiera, okay ka lang ba?” tumingin ako kanya.

“Huh.” At napatingin ako sa tinitingnan niya.

My food. Gosh! Nakakahiya. Puro mumo na pala yung lamesa ko. Hindi ko napansin na nilalaro na pala yung pagkain ko. I guess.. I’m really not in the mood.


“I’m sorry.”

Tama na siguro para sa araw na’to. Nakakapagod.


Bzzt!

Text Message From Alexis: ‘Teh, bago ko malimutan. May mga gamit ka pang dapat kunin sa school. I think you should get it. Alamness mo naman na di yun makukuha kung hindi ikaw ang kukuha. Kei? Bye.’


Siguro gagawin ko na lang itong tinext sakin ni Alexis since.. wala naman akong ibang gagawin. At ayoko pa rin kasing umuwi.

Mabuti na lang ganon pa rin yung palakad ng school. Hindi naman ako nahirapang kumuha ng pass i.d. May iba lang akong pinirmahan tapos binigay na nila sakin yung mga matagal na dapat e nakuha ko na. Pati yung keys sa locker room ko na halos 1 buwan bago ang graduation ko hindi nabuksan. Dun din nila inipon yung iba kong gamit.

Marami rami pala akong gamit na naiwan. Nandun pa yung libro kong hiniram kay Jessa nung Valentines Day. Mga notes—



“Agh.” Bigla na lang nadulas sa kamay ko yung mga hawak ko. Umupo naman ako para limutin yun. Nang may lumapit at tinulungan ako.


THUMP!

Parang nagskip a beat yung heart ko nung magtama ang tingin namin.

“Slater?” nakangiti pa rin siya. Napatayo ako.
 
Nilimot niya yung iba kong gamit at binigay sakin.

“Anong..”

“I’m a part time teacher here.” Napatingin siya sa mga hawak ko. “Kinuha mo na pala ang mga gamit. Marami rami yan a.” ngumiti ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. He’s normal. Parang lang yung dati.. kahit na.. may girlfriend na siya.

“I think I should go.” Tumango siya.

Hindi ko alam kung dapat ko na bang isuko si Slater. Pero hindi naman din tama na habang may gf siya.. I'm still having a special feeling towards him.



Hindi ako makatulog ng gabing yun. Tinitingnan ko na lang yung mga gamit na nakuha ko sa school. Tinititigan. Nagmumuni muni.

“Hello?”

“Tanya.” Tinawagan ko si Tanya.

“Oi! Wait—“ tinawagan ko siya dahil mas lalo ko lang naaalala yung mga problema ko. I wanna take a break. “It’s 10:45 na a. May problema ba?”

“Wala. Uhm.. yung tungkol sa..”

“Yeah right! Tumawag nga sakin si Charles. Nagsosorry siya.”hindi ako makasagot dahil hindi ko alam sa apat na lalaking nakadate ko kung sino si Charles. “May nagawa ba siyang masama? Parang daw kasing nabad mood ka. Ayaw mo ba sa apat na yun? Ipapakilala kita sa iba—“

Biglang may nagtext.


“Wait lang ah.”

Message from Jessa: ‘Era, punta kaming villa nila Derec bukas. Sama ka a! Sabay na kayo ni Alexis sa may Triangle plaza’



“What happen?”

“I think I can’t date anyone tomorrow.”

“Tomorrow? Lang ba? O..”

“I’ll just inform you okay. Thanks for the time Tanya. Goodnight!” ni-end ko na yung call.


Gusto ko sumama bukas. Ito na yung last chance ko. gusto kong makausap si Slater. Pagkatapos nun, pangako tapos na. seseryosohin ko na ang pakikipagdate sa mga lalaking kakilala ni Tanya. Sisiguraduhin ko na mafo-fall ako sa isa sa kanila at tuluyan ko ng makakalimutan si Slater.

Pero mukhang mahihirapan akong makausap siya. Nakalimutan kong.. nasa isang grupo nga pala kami ni Ivanna. At napakaimposible din naman na hindi siya sumama. Napakadkit niya kay Slater. Malimit pa na magkahawak kamay sila o kaya nakayakap siya sa baywang ni Slater. Parang bang may alam siya sa balak ko kaya pinagdadamutan niya ako. Hindi ko alam kung maiinis ako. Akala siguro nitong si Ivanna aagawin ko sa kanya itong si Slater.



“Waa ang sarap naman ng luto mo kuya! Pwede ako naman ang lutuin mo?” nabatukan nga ng isa ni Derec si Alexis.

Mayaman sila Derec. May sarili silang villa. Kumakain kami ng lunch at pinagluluto kami ng chef nila dito sa villa.

Nagkwentuhan naman kami habang kumakain. Madami akong nalaman sa mga nangyari nung wala ako dito sa Pinas. Bukod sa part time teacher si Slater, nakakontrata daw ito sa isang kompanya. Si Alexis naman pa-part time part time rin. Since hindi padaw siya handa maging isang office worker. May iba sa kanila na tambay lang. at iba na naghahanap pa ng trabaho. Sinabi ko naman sa kanila na may sarili akong convenience store sa States at ka-socio ko ang kababata ko na si Red.

“Ayy si Papa Red! :D” crush kasi ni Alexis si Red.

At dahil nandito na kami sa usapan na ito. Naisip ko na isingit na rin ang intension ko.

“Eh lovelife? Musta naman yun no?"

"Lovelife?"

"Ano ka ba Era. Gustuhin ko man e talagang walang maloko!" nagtawanan kami sa joke ni Alexis. "Aba Aba. Madami naman ako katext at kachat! Yun nga lang hanggang dun lang! Saka na ako magboboyfriend pag siguradong malaki na puhunan ko."

Hindi ko alam kung saan mapupunta ang usapang ito pero thanks to Alexis mas hindi nila mapapansin ang intensyon ko. Pero dapat malaman ko kung paano naging sila Ivanna at Slater.

"E ikaw Era. Nagkalovelife ka na ba?" medyo nahiya naman ako sa tanong na yun ni Kim.

Umiling ako, "Alam niyo naman na sitwasyon ng mama ko. I have no time for that--" biglang sumingit si Slater pero di niya kasama si Ivanna.

"Kumain na ba kayo ni Ivanna? Punta lang kayong kitchen."

"Oo. Pagkatapos siguro nito." tinutukoy niya yung psp. Mukhang naglalaro sila ni Ivanna. Couple's moment. Tss! Ganito na ba kalalim relationship nila.

"Era." naagaw naman ang atensyon ko. "May mga nagtanong ba na foreigner?" natawa kami sa tanong ni Ron. Sinabayan pa ng joke ni Alexis.

Sa grupo, bukod kila Slater. Sila Ronald at Tin-tin din. Nagkwento nga si Tin-tin kaya mas lalong gumanda ang usapan dahil sa sunod sunod na pangangatsaw ni Alexis.


"Eh sila Ivanna at Slater?"

"Ayun! Yun talaga ang gusto malaman! Hot topic!"

Nag-'Ayiie' sila. Alam kasi nila na dati kong crush si Slater. Ang di lang nila alam.. hanggang ngayon gusto ko pa rin yung tao.

“Ikaw naman kasi. Hindi ka man lang nagpaparadam nung nasa states ka.”

Sinundan naman ni Alexis, "Well alam naman natin na kung walang gagawin, walang mangyayari. Hindi ko naman pedeng sabihin na si Slater ang unang gumawa ng moves. It's obvious na si Ivanna ang nauna." walang nagdisagree  sa sinabi ni Alexis.

"Alam mo naman, Era na gaya mo malaki din ang pagkacrush ni Ivanna kay Slater. Pero ayaw ni Slater sa kanya dahil nga masyadong showy at aggressive si Ivanna. Nung mga panahon kasing yun.. malungkot na malungkot si Slater. Hanggang sa nakikita na lang namin na magkasama sila." nginitian ako ni Tin habang tumatango tango si Ronald na nakayakap sa kanya.

"If I know nagtake advantage lang yang Ivanna na yan! Halos mag-away nga kami niyan dahil di hamak na mas boto ako sainyo ni Slater!"

"Pero naayos din naman ang lahat dahil kaibigan natin si Ivanna. Ipinakita din nila Slater na seryoso sila sa isa't isa."

Napangiti na lang ako. Siguro nga okay na lahat.

"Pero siguro kung hindi kayo nawalan ng connection sa isa't isa. Siguro walang Ivanna at Slater ngayon." natawa ako sa sinabi ni Derec. How I wish.



"Bakit nga ba hindi ka na sumulat kay Slater pagkatapos niyang magpadala sayo ng dalwang sulat?"

Yung ngiti ko napalitan ng pagkunot ng noo. Takang taka sila sa ginawa ko at parang naghihintay ng explanation. Pero hindi ba dapat ako ang mas magulat dahil wala akong alam sa sinasabi nila. Ako ang hindi nakatanggap ng sulat. Ako ang huling sumulat. At wala akong alam sa dalwang sulat ni Slater na tinutukoy nila.

Parang may mali . May hindi ako naiitindihan. Ano ba talagang  nangyari nung mga panahong nawala ako? May nangyaring hindi   ko alam. At sigurado ako na may hindi rin alam dito si Slater.


"So, what's up?" dumating naman yung order namin. "Thanks." sabi ni Tanya dun sa waiter tapos tinimpla niya yung coffee na inorder niya.

"Hindi ka na naman nakipagkita sa mga kadate mo?"  tumingin ako ng parang badtrip kay Tanya.

"Diba tinatanong mo kung tungkol dun sa pagpapakasal ko.. Kung.." parang nag-aalinlangan ako kung itutuloy ko yung sasabihin ko. Naghihintay naman siya sa sasabihin ko. "..kung may kinalaman iyon kay Slater." binitawan niya ang kapeng iniinom niya at parang naghihintay sa sagot ko.

"Tanya, alam mo namang wala akong naging connection sainyo nung mga panahong nasa States ako, diba? Nung mga panahong yun.. wala akong balita sainyo. Maraming nangyari at ramdam ko may mga nagbago.."

"Era, may problema ba." tinitigan ko siya sa mga mata.





"Mahal ko pa rin si Slater."

Hindi nakapagsalita si Tanya. May gulat sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Pumangang lumbaba na lang ako habang nakatingin sa labas.

"Wow. I don't know what to say. I mean,  halos 4 years mong binalewala yung tao. Nalaman ko pa sa dati kong classmate na inichupwera mo pa daw ang mga sulat ni Slater." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "What?"

"Alam mo din ang tungkol dun?" tumango tango siya at parang excited sa isasagot ko.

"Wala yung katotohanan!"

"Hindi yun totoo?" napakunot ang noo niya na parang walang maintindihan.

Kaya inunahan ko na siya bago pa siya mag isip ng kung anu ano.


"Ako ang hindi nakatanggap ng sulat." parang mas lalo siyang naguluhan. “Lagi naman akong nagkukwento sayo Tanya diba? Nalaman ko ang totoong dahilan kung bakit kailangan kong pumunta sa States isang linggo bago ako umalis. Alam ko na na may cancer si mama.” Nag-iba yung expression ng mukha niya. alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito.

“Wala akong connection sa Pinas hindi dahil priority ko ang magandang job offer dun. Hindi dahil.. ineenjoy ko yung bagong lugar. Nung malaman ko na may cancer si mama.. ang unang tumatak sa isip ko. ‘Kailangang may gawin ako’ may posibilidad na mawalan na naman ako ng magulang. Ayoko na ng ganong pakiramdam..


Akala ko. Yung lungkot.. matutumbasan ng saya dahil yung taong gusto ko nasusulatan ko. Nakukwentuhan ko. At napapasaya ako.” Lumingon ako sa labas ang pinanood ang mga taong naglalakad. Bumabalik na naman yung sakit na naramdaman ko 5 years ago. Nung mga panahong kung paano ko tiniis ang sakit.. kung paano ko tinago ang hina at takot na nararamdaman ko sa tuwing inaatake si mama ng sakit niya at dinadala siya sa hospital. Ang takot.. na kahit na anong oras maaaring kunin NIYA sakin ang natitirang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Naramdaman ko ang pagdampi ng mga kamay ni Tanya sa kamay ko. Malungkot na ngumiti siya sakin. Ramdam ko yung sincere pakikiramay niya.


“Tanya, hindi ko inichupwera ang sulat ni Slater. Hindi ang mga taong mahal ko.” naiinis akong isipin ito, “Hindi ko alam ang totoong nangyari kung bakit magkaiba ang kwento namin ni Slater. Kung bakit pakiramdam ko na parang may hindi tama sa tuwing nakikita ko ang mga tingin niya. May kulang sa kwento, may nangyaring hindi namin alam.”

Nagcrossed arm siya at tinaasan ako ng kilay na parang may masamang iniisip.

“May pinaplano ka ba?”

“We’ll go for plan B.” siya naman ang tinaasan ko ng kilay. “Kung di ka magtagumpay sa next plan natin. I’ll make sure na makakahanap ka ng nice guy sa mga nakakadate mo.” Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko. at sincere na ngumiti sakin.


“Ikakasal ka, at makikita ni tita ikasal ka no matter what happen. And I’ll assure you, tutulungan kita as much as I can.”

Pinakingggan ko ang plan B ni Tanya. At lahat ng sinabi niya sinunod ko. Kung gusto kong sumaya, I should talaga. Kailangan kong subukan kahit na may mga masasaktan. Kailangan ko ring malaman ang katotohanan. Selfish mang maituturing, kapag nalaman ko na ang katotohanan, pangako isusuko ko na si Slater.

Lumingon siya sakin. Ngumiti ako at inabot sa kanya ang fruit shake na hawak ko.

“Sayang naman, wala si Ivanna.” Inalis din niya ang tingin sakin. Well, sorry Slater. Sinadya ko ang araw na’to na wala si Ivanna. Kasi kung nandyan siya. hindi ko magagawa ang plano namin ni Tanya.

“Hindi naman ako maka-hindi kila Alexis. Naging parte narin ako ng grupo.” Uminom siya. “I-enjoy na lang natin ang outing na’to.” Ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako.


Hindi rin naman ako magtatagumpay sa plano kung wala akong.. kasabwat. Sinabi ko kay Alexis na kailangan ko ng time with only Slater at kailangan ko ng tulong niya. Mabuti na lang at magaling umakto si Alexis. Kahit medyo kinakabahan ako sa ginagawa ko. dahil isang pagkakamali lang, sigurado ako magagalit sakin si Slater. Alam kong.. ayaw niya ng mga ganito. I’m being desperate. at alam ko galit siya sa mga ganito.

Mabuti na lang it works according to my plan. Dahil malayo ang lugar na’to hindi basta basta kami masusundan ni Ivanna. Hindi siya ganong kadali macocontact nito.


“Okay, next roll.” Inikot naman ni Alexis yung bote. Nag-tutruth or dare kami. 2am na. atang iba sa kanya knock out na dahil sa tama sa alak. “Yay! It’s you papa Josef! :-*”

“Yikes. Lumayo ka nga Alexis. Ang baho ng hininga mo.” Natawa naman ako. Kami na lang ata nila Jessa, Josef, at Tin walang katama tama. Lalo na ako na puro truth lang ang pinipili pati hindi rin naman ako madalas matapatan ng bote. “Truth!”

“Arte mo! Bakit ba puro truth kayo. Ayaw ng dare! Ehihm! *hic* At dahil makulit ka.. parurusahan kita.” Ngumuso si Alexis kay  Josef. Parang nagpapahalik kaya tinulak namin siya. Tawa na kami ng tawa.

“Kadiri ka talaga Alexis!”

“Sige na. sige na. tapusin mo na Josef! Isang roll na lang hah at tulugan na!” sabi ni Slater na medyo may tama. Puro dare kasi siya sa buong game at karamihan dun hindi niya ginagawa kaya napapainom siya.

“Papa Josef, bakit hanggang ngayon *hic* wala ka paring gf!?” tumawa si Alexis at  medyo napahiga sa balikat ko. “Bading ka rin siguro no! *hic* hahahaha—“ dinuro duro niya si Josef.

“Gago kang bakla ka! Palagi mo ng tanong yan a! eh alam mo naman ang sagot e!” naghiyawan ang tropa. Ako lang yung hindi makarelate.

“Bakit? Bakit ano yun?” inikot naman ni Alexis yung bote.

“Wala ka na dun best!” tumatawa sila. Ganon din si Slater na kanina pa ring ilang sakin. TSK!

“WAAH! Slater there you are!”

“Woy bakit akoo~”

Si Ronald bagsak na. Si Derec pinipilit lang manood pero mukhang antok na.


“Dare!” sabi ni Slater.



“At dahil tulugan na after nito, I dare you..




to spend the whole night with Era!” nagulat ako sa dare na yun ni Alexis. Nanindig ang mga balahibo ko.



Parang halos lahat sa kanila nagising sa dare na yun ni Alexis.

Hindi ko alam ang irereact ko. Kung dapat ba akong matuwa? Basta.. yung puso ko nagdadabog na sa kaba.

"Saan ninyo naman kami balak patulugin?" nakangiting tanong ni Slater. He gives me goosebumps. Obvious na lasing na siya!

 "o-Oi w-Wait! Kailangan ba talagang--" itinayo ako nila Alexis.


Tinulak nila kami ng papilit ni Slater papunta sa isang kwarto. Pero parang hindi naman napipilitan si Slater. Tawa kasi siya ng tawa. Hanggang sa maikulong nga kami at nilock pa nila ang pinto. Tarantang taranta na ako sa loob, siya naman nahiga pa sa kama.


"Okay lang ba sayo 'to!?" bakit ba parang wala siyang pake. Atsaka.. bakit ba ako natatakot. Parang namang may gagawin siya.

Umupo ako sa sofa at tiningnan siya sa kama na parang inaantok na. Hindi ko alam kung maituturing 'tong  pagkakataon. Lasing siya at wala sa katinuan..



"Era.." nabigla naman ako ng tawagin niya ako. Bumangon siya at tumingin sa mga mata ko. Ngumiti at tinanong ang mga katagang ito.. "Kamusta ka na?"

Parang nadurog ang puso ko sa mga tingin niya. malungkot ang mga mata niya na may halong galit. Kahit wala siya sa katinuan.. ramdam ko ang pinapahiwatig ng mga tingin niya. bahagya siyang ngumiti. May inilabas siya galing sa bulsa niya. hindi ko matukoy kung ano.


“I’ve always asked myself since that day.. kung ano ang nagawa ko?” binitawan niya ito at nawari kong isang sobre pala ito. Napahawak siya sa mukha niya. “Matagal na kitang gustong makausap. Ilang beses kong sinubukan na contactkin ka. Sa facebook. Email. I even wrote a letter for you again. But I failed..



Ang sakit sa pakiramdam..




MAPAASA..” napatakip ako ng bibig. Gusto kong maiyak. Though he didn’t mean it. Parang bang naemphasize yung ‘mapaasa’ sa sinabi niya.


Yun ba talagang akala niya.. na pinaasa ko siya.  ang sakit isipin na nasasaktan ko siya ng ganito kahit na wala rin akong alam sa nangyayari. Never ko siyang pinaasa. Wala akong matandaan na may ginawa ako para masaktan siya. dahil saming dalwa.. palagi na lang ako yung nasasaktan.

“Slater-- *sob*” pumiyok pa ako nung tawagin ko siya. nakatayo na pala ako.at pumapatak na yung mga luha ko habang umiiling ako. Gusto kong malaman niya na mali ang iniisip niya. hindi ko siya pinaasa. At hindi ko ginusto ang kinahinathan naming dalwa noon.

Kung alam lang niya na kung gaano ko pinagsisisihan ang mga nangyari noon..


“Nakita ko ito sa mga gamit mo nung minsang nakasalubong kita sa school. Please, don’t make any effot again after this. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin..” he left me.

Hindi ko pinansin kung paano niya nabuksan ang pinto? Kung bakit nakaabang sila Alexis sa pinto? Kung lasing ba talaga siya o ano? Nung magsarado ang pinto.. yung sulat lang ang umagaw ng atensyon ko.



Sigurado ako.. Kailanman ay hindi ako nakatanggap ng ganitong sulat??


“So you're saying that this is Slater’s letter na never mong natanggap? Tapos.. iba naman ang kwento nila? That’s a bullshit!” mas lalo lang akong naiinis.

“Kailangan kong mahanap ang sulat ko? Kung di yun natanggap ni Slater, nasaan na yun? Imposibleng namissed place yun dahil kami mismo mismo ni Red ang nakakita ng confirmation na natanggap ni Slater yun.”

Kahit si Tanya wala ding masabi sa mga natuklasan niya.


Ako lang siguro ang makakalutas ng mga problema ko. Bakit ko ba kailangan pang sabihin kay Tanya ang mga bagay na ito. Binibigyan ko lang siya ng problema. Dahil sa mga natuklasan ko.. parang nabigyan ako na pag-asa magkameron ng dahil ipaglaban si Slater. Iniisip ko na kung malalaman lang niya ang totoo.. maaaring bumalik siya sakin. At matupad ang mga pinaplano ko.

Pero.. that was so selfish! Paano si Ivanna? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung hindi si Slater ang pakakasalan ko. Sino? I can’t marry someone na nakilala ko lang sa mahigit na isang buwan. It’s so ridiculous! And no matter what, I have to be married..

Napatingin ako sa cellphone ko. Hindi ko pa rin narereplayan sila Jessa sa nangyari kahapon. Ayoko pa rin kasing pag-usapan yun. Kaya nilagay ko na lang ang cellphone ko sa bag—Nang may umagawa ng pansin ko. Yung letter na nakuha ko dun sa bulaklak sa package ko. I started to read it..


‘Loving you takes a million times to confess. I know, this won’t work. We’re a childhood sweetheart. And I am your precious bestfriend. I am telling you this.. sorry for falling in love. Your smile. Your tears. Your everything. I am secretly loving those. Shiera Marasigan, I know this is insane. Before you left States, I know what you are planning for. But.. if that doesn’t work. Will you instead see me as your groom? I wanna marry you. Era, please marry me?’


Halos mangiyak ako sa nabasa kong sulat galing kay Red. Dapat nga siguro mas matuwa ako dahil may isang taong handa akong pakasalan without me wasting my time. O dapat akong matakot na ang bestfriend ko.. ang taong yun. Red is such an important person. I can't afford to lose him. And I can’t ever imagine to hurt him. Mali, dahil kung matagal na niya akong gusto.. matagal ko na rin siyang sinasaktan. Alam niya ang lahat tungkol samin ni Slater.

Tinitigan ko ang keyboard ng laptop ko. Hanggang ngayon wala pa akong naitatype na reply para kay Red. Hindi ko alam ang sasabihin ko. So in the end.. I shut it down.



“WOOOOOOAAAH!!! GO GO PAPA DEREC!!!” walang gana kong sinayaw ang bandilang hawal ko.
Nandito kami sa Makati. Sumali kasi sa isang baseball game itong si Derec kaya nandito rin kami para magcheer sa kanya. Si Alexis naman sobrang hyper sa pagchicheer.

“Oi ano ba! Sumigaw din naman kayo!” onga pala. Ayos na kami. Nagkausap usap na kami. Pero..

“Slater!? Saan ka pupunta?”

“Pupuntahan ko lang si Ivanna. Nasa gym siya ngayon e.”


Pero mas lalo ata kaming lumala ni Slater. I mean, never pa kaming nag-usap pagkatapos nun. ‘Please, don’t make any effot again after this.’ Maybe, he really mean it. So now.. what should I do?


“Sama ako sayo papa Derec!” natapos din ang game. At panalo ang team ni Derec na mga kakilala lang din niya.

“Tumigil ka nga Alexis. Lalandi ka lang e.” may binato naman si Derec kay Jessa. “Dun na lang muna kayo sa unit ni Ivanna. Nasabi ko na sa kanya na dun na lang din nila Slater kayo tatagpuin.”


Kaya pumunta nga kami sa condo ni Ivanna. May kaya sila Ivanna. They have a family business. Pero hindi yun ang iniisip ko.. Iniisip ko, kung may sinabi ba si Slater sa nangyari. Since wala si Ivanna noon, ano kayang iniisip niya? nakakaloka.!


“Hayy! Ang ganda talaga dito!”

“Hoy Alexis saan ka na naman pupunta! Wala kang permiso kay Ivanna hah!”

“Kukuha lang ako ng pagkain! Bakit!? Bisita naman tayo a!”

Naupo naman ako at tiningnan ang kabuuan ng condo niya. Maganda. Malinis. At.. may mga pictures sila ni Slater sa mga table.

“Mas mabuting.. isuko mo na lang si Slater.” Nahuli ako ni Jessa na hawak ang isa sa picture frame ni Slater. Nakangiti siya.

“No!. NO. No! “ napatingin kami kay Alexis na may hawak na isang malaking chichiria sa kamay niya. “Kung may ipaglalaban ka, ipaglaban mo! Wag mong isuko kung alam mong may mali!”

“Alexis!”

“Joke lang!! Hahahahah..” hindi ko alam kung joke ba yun o isang advice talaga.

“Alexis ano ba!! Kwarto na yan ni Ivanna—“ sinundan ko naman sila Jessa.


Nakarating nga kami sa kwarto ni Ivanna. Nakahiga dun si Alexis ay naglululundag. Ang kulit niya talaga. Tiningnan ko rin ang kabuuan. May isang photo album dun nila ni Slater. May damit ni Slater..

“Sigurado ako! Ginawa na nila yun!” hinampas naman siya ni Jessa. “Ano ba! Eh madalas kaya dito si Slater! MALAY MO!” tiningnan ako ni Jessa. Ngumiti na lang ako.

Tiningnan ko yung mga nakadisplay sa cabinet. Yung mga libro. Cd’s.

“AYY Nakita mo na ba ang year book natin, Era!?” lumapit naman sakin si Alexis at hinanap ang year book na tinutukoy niya. at nung mahanap niya, “HERE!!” may nagpatak..

 
Napatingin kami sa nagpatak. Isang sobre. Umupo naman si Alexis para abutin yun. Parang familiar.
May narinig kaming tumunog, “Nandyan na sila Ivanna! Lumabas na kayo Alexis hah after niyan!” lumabas si Jessa.


“Era..” lumingon ako kay Alexis. Aalis na kasi dapat ako. Inabot naman niya sakin yung sobre. Hindi ko alam ang irereact ko sa nakikita ko..



“HOY BAKLA ANO NA NAMAN BANG GINAGAWA MO—“ pumasok si Ivanna sa kwarto. Napatigil siya ng makita ang hawak namin ni Alexis. Masama ang tingin ni Alexis.

“Oi, tara na sa kusina. May dala kaming pagkain—“ napatigil din sa pagsasalita si Slater dahil napansin niya ang katahimikan saming tatlo.

Narinig pa namin si Jessa na sinigaw ang pangalan ni Alexis dahil sa dalang pagkain nila Slater.


“Anong nangyayari?”

Lumapit samin si Ivanna. “Akin na nga yan. Bakit ka ba kasi nangingialam ng gamit!” kinuha niya yung yearbook kay Alexis. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko.



Akala ko hindi na magsasalita si Alex.

“Ano yung nakita namin Ivanna?” napatigil si Ivanna. Napatingin siya sakin.. na may takot sa mga mata.


“Bakit? May tinago ba si Ivanna na katakot takot na sikreto Alexis?” napatingin kami kay Slater na natatawa pa sa sinabi niya. “I mean, pictures of you Alex.” At  naguilty pa sa joke na sinabi niya.

Napatingin siya sakin na agad ding umiwas. Lumapit naman siya kay Ivanna. “Ano ba talagang meron? Kung ano man yan, kumain na muna kaya tayo—“



“ITANONG MO DYAN SA GIRLFRIEND MO KUNG ANONG PINAGGAGAGAWA NIYA!” hinawakan ni Alex ang kamay ko.

Aalis na kami ng kwaro ng makasalubong namin si Jessa. ‘Mas mabuting.. isuko mo na lang si Slater.’ Naalala ko ang sinabi niya. Yun ba talaga ang mas mabuti? ‘Kung may ipaglalaban ka, ipaglaban mo! Wag mong isuko kung alam mong may mali!’ Tama si Alexis!


Binitawan ko siya at nilingon ko sila Ivanna.




“NAGKAKAMALI KA KUNG AKALA MO KINALIMUTAN NA KITA!” nagulat sila sa sinigaw ko.

Hindi ko mabasa ang reaction ni Slater. Pinakita ko sa kanya ang letter ko na hindi niya natanggap.

“Sumulat ako sayo. Pero hindi ako nakatanggap ng sulat galing sayo. Yung dalwa mong sulat. Hindi ko yun natanggap.. “ napaiyak na ako. “Hindi ko alam ang totoong nangyari.” Tumingin ako kay Ivanna. “Kung bakit mo ito ginawa?” napatingin si Slater sa kanya.


“Hanggang ngayon Slater, ikaw lang.” atsaka ako umalis. Iniwan koyung letter ko.


Siguro.. wala na ring lusot si Ivanna ngayon. She should explain everything to Slater. Kung talagang may konsensya siya.. hindi siya magsisinungalin. *sob* Pero wala pa rin akong kasiguraduhan kung maaayos na ang lahat. Umaasa ako na ako na ang pipiliin ni Slater. Umaasa ako na bibigyan niya ako ng pagkakataon  at maaayos na ang lahat. Sana.. please lang..


Bago ako umuwi sa bahay, sinabihan ko si Tanya na hindi ko na itutuloy ang mga plano namin. Hindi na ako makikipagdate sa mga kakilala niya. Tapos na ang laro. Klaro na ang lahat sakin. Nasa katotohanan na ako.. ang dapat ko na lang gawin ay harapin ang mga iyon.


Pag-uwi ko sa bahay, may nakita akong taxi sa harap ng bahay namin. Parang may dumating. Pumasok ako sa loob at may mga nakita akong package. Sinalubong ako ni tita.



Niyakap ako nito, “Era, We have a surprise for you.” Nakita ko si mama na bumaba ng kwarto at inaalalayan siya--- ni..

“Red.” Tumingin siya sakin. Ngumiti siya gaya ng mga ngiti na meron si mama. Nilapit naman ako ni tita sa kanila.

“That’s right! Naisipan na ring umuwi ng anak ko, hija. Kumare, matutupad na ata ang mga napag-usapan natin!” hindi ko maintindihan ang sinasabi ni tita. Hinawakan naman ni mama ang kamay ko.

“Kumain ka na ba? Sabayan mo na si Red. Hinintay ka niya talaga.” Tumingin ako sa kanya. Tumango naman ako.


Naisip namin ni Red na kumain sa laba. Gaya lang ng dati noong nandito pa siya sa pinas. Mas masarap kasing kumain sa labas ng bahay nila, sa may garden.

“Kumusta ka naman?” hindi ako makatingin sa kanya ng maayos.

“Hindi okay.” Nabigla siya sinabi ko. Hindi ko tuloy naiwasang hindi mapatingin sa kanya.

“Saan? Masama ba pakiramdam mo? Anong nangyari?” hinawakan niya ako agad ko naman binawi yun. Kinabahan ako. Nagtaka siya sa ginawa ko. napatitig siya sakin.

“You read my proposal, do you?” napatingin ako sa kanya. Ayoko ng mga tingin niyang yan. Ayokong masaktan si Red. “Wag ka namang tumingin sakin ng ganyan. Pakiramdam ko.. alam ko na yung sagot mo kahit hindi ko pa naririnig.” Umiwas siya ng tingin.

 
Nasasaktan ako. Bakit ba nangyayari sakin ito!


Buong gabi kaming nagkakailangan ni Red. Hindi na lang namin pinakita kila tita at sa mama ko. Alam ko.. na boto si mama kay Red dahil never naman niyang narinig ang tungkol kay Slater. Kung may alam man si mama tungkol sa sulatan namin ni Slater noon, sigurado hindi niya nilagyan ng malisya yun. Dahil mas malalim ang pinagsamahan namin ni Red. At siguro.. noon pa man pansin na niya ang tinatagong feelings ni Red para sakin. Na kailanman ay hindi ko napansin.

Tumawag sakin si Derec. Sinabi niya sakin ang tungkol sa celebration nila ng team bukas sa villa. At gusto niya kasama ang tropa. Narinig din niya ang tungkol sa nangyari sa condo ni  Ivanna kaya siya nag-abalang tumawag.


“Don’t worry pupunta ako.”


Walang mangyayari kung iiwas ako.

Nagpaalam naman ako kila mama na aalis nga ulit ako. Nakasalubong ko pa si Red bago umalis. At alam niya na siguro na makikipagkita ulit ako kay Slater. At naiintindihan din niya siguro na wala akong dapat sayanging araw.

“Pwede ba kitang.. sunduin mamaya?” gusto kong mainis sa tanong niya. pero nakita ko si tita na nakangiti sa likod niya.

“Baka gabihin ako. Pero itetext na rin kita.” Agad akong tumalikod. Ang hirap ng ganitong pakiramdam. Inilalayo ko ang sarili ko sa isa sa mga taong mahalaga sa buhay ko.. para lang hindi ko sila masaktan.


Nakarating kami nila Tin sa villa at nadatnan namin ang paglalaro ng mga boys ng volleyball. Tumabi naman sakin si Jessa at tinuro yung mga hinandang pagkain ni Derec. Ang dami. Pero hindi muna ako umalis sa kinatatayuan ko. Pinanood ko ang mga naglalaro. Nandun si Slater. At masaya siyang nakikipaglaro. Parang.. walang nangyari kahapon pero masaya naman ako kung ganon.

Napatingin naman ako sa kabilang bench. Nandun si Ivanna kasama si Josef. Hindi siya nanonood, kumakain siya. Naalala ko na naman ang tungkol sa sulat. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang gawin yun ni Ivanna. Kung dahil sa gusto niya talaga si Slater? Naalala ko tuloy nung college pa kami. Madalas kaming magbarahan ni Ivanna dahil nga fini-flirt niya si Slater. Hindi ko akalaing.. ganon din pala niya kagusto si Slater. Akala ko noon.. fling fling lang sa kanya lahat dahil medyo maldita kasi siya.



“SHIERA!!~” napalingon ako sa tumawag sakin. Si alexis.

Pero hindi yun ang mas umagaw ng atensyon ko.



“SLATERRR!~” agad akong napatingin sa court. At nakahiga si Slater sa sahig. Tinamaan pala siya ng bola sa ulo.

Agad na dinala si Slater sa kwarto nila Derec. Nagpahinga ito pagkatapos gamutin ng mga kasambahay ni Derec. Hindi naman ako sumunod dahil ayokong may masabi ang mga kasama ni Derec since sila Ivanna pa at Slater. Pero ang totoo nag-aalala ako.


Kumakain na lang ako at nakikipagchikahan kasama ng tropa. Tumatawa sa mga joke at mga hirit ni Alexis sa mga kasama ni Derec.

“Dalawin mo na siya.”

“Huh?” sabi ko kay Tin. Ngumiti naman siya sakin.

Tumayo kami ni Tin. “Pupunta lang kami ni Era dun.”


Pinuntahan ko naman si Slater sa kwarto niya. Kinakabahan ako sa bawat pagtakbo ko. Pero nung nandun na ako. Lakas loob kong binuksan ang pinto—



“I’m really sorry.. *sob*” napatigil ako sa pagbukas. Nakita ng mga mata ko si Ivanna. Umiiyak siya. nakatingin naman sa kanya si Slater.

Pero mas lalo akong kinabahan nung magtama ang mga tingin namin ni Slater. Napatingin siya sa parte ko. Nahuli niya ako.

“Ivanna.. mapapatawad lang kita.




Kung pakakasalan mo ako.”

Agad akong tumalikod. napasandal ako sa pader. At pinakiramdaman ang pagtibok ng puso ko. Ang sakit sakit. Bakit ito sinasabi ni Slater.


Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha ko. bago ko pa man marinig ang isasagot ni Ivanna, agad na akong tumakbo. Ayokong marinig ang sasabihin niya dahil sigurado naman ako na ‘oo’ ang isasagot niya.

Tumakbo ako papalabas ng villa. Agad kong ni-contact si Red. Gusto ko na lang na tumakas sa lugar na’to. Mukha ang tanga. Ayoko na!

Hinintay ko si Red sa labas. Iyak ako ng iyak. Hindi ko na ipinaalam kila Derec na aalis na ako. Pero mukhang nalaman din nila dahil ako ng guard.



“Era!?” dumating ang kotse ni Red. Tumayo ako at tumakbo sa kanya.

“Red! *sob*” hindi ko na naitago pa ang sakit na nararamdaman ko.


Dinala ako ni Red sa di ko alam na lugar. Lumabas pa siya ng kotse at hinayaan lang niya ako sa loob. Ni hindi siya lumingon para makita ang pag-iyak ko. kaya mas lalo lang akong naiiyak. Iyak ako ng iyak.  Ang sakit sakit na hindi ko na kaya pang itago. Am I really a stupid for hoping na babalik pa sakin si Slater? At ang mas masasakit.. mas pinamumukha niya sakin yun.

Mga dalwang araw din akong hindi nagparamdam sa tropa. Nasa bahay lang ako at minsan nakikipagchikahan kay Tanya. Minsan ngang pumunta si Tanya sa bahay at nagkakasundo naman sila ni Red. Nung mga araw ding iyon.. mas narealize ko ang kahalagahan ni Red sa buhay ko.


‘Why can’t be him?’ bakit nga ba? Bakit nga ba hindi nagwo-work ang bestfriends turn to lovers relationship? it’s just.. ayoko lang na may mawalang magandang relasyon kapag pumunta kami sa stage na iyon.



“Red..?” pumasok ako ng kwarto ni mama, nakita ko naman na nilalatagan na niya ng kumot si mama. Lumingon siya.

Nag-usap kami.  At hindi ko na pinatagal pa ang usapan.


“I’ll marry you.” Napalingon naman siya sakin.

Tinitigan niya ako sa mga mata. Naghalf-smile ako.

“Just like you said. We’re a childhood sweetheart. If you are so precious to me, then it’s not possible for me to learn to love you.” Hindi pa rin siya nagsasalita.

Nagulat na lang ako ng lumuhod siya sa harap ko. at hinawakan ang mga kamay ko. sa tahimik na gabing ito. Yung tibok lang ng puso ko.. ang naririnig ko.


“You’ll never regret it. Ngayon pa lang, nangangako na ako. Na simula na sa araw na ito hindi ka na masasaktan.” Tumayo siya at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko naman siya at ngumiti ako.
Maybe.. this is the good decision.



2 days after. Ni-celebrate namin ni Red ang engagement party kasama ng mga mahahalagang tao sa buhay namin. Masayang masaya naman samin sila tita at mama. Ngayon ko lang ulit nakitang ganyang kasaya si mama. Such a pure smile. A real happiness. Natupad ko rin ang isa sa mga kahilingan niya. Ito naman talaga ang plano ko sa simula. Hindi man ako makakasal sa taong mahal ko.. ikakasal naman ako sa tamang lalaki. Red is too good to be true.

“Congrats.” Napalingon ako sa likod ko.

Sa dami dami ng taong lalapit sakin. Hindi ko inaasahan na isa siya sa mga yun.

“Napakaganda ng speech niyo. It’s too good to be true na makasal ka sa taong labis na nagmamahal sayo. Si Red.. kababata mo pala siya. Maswerte ka sa kanya.”

Ngumiti ako.

“Ikaw din.” tumingin siya sa mga mata ko ng nagtataka. Ang lalim ng mga ngiti niya. umiwas naman ako.

“Hindi mo maitatanggi sakin.. nakita mo ako noon diba? Na nakikinig sainyo.” Ngumiti naman ako sa mga taong nakatingin samin. sa mga kaibigan ko na alam ang tungkol samin ni Slater.


Ngayong ikakasal na ako.. sa iba. I want to end everything.. between me and him.



“She rejected me. She knew that I can’t marry her. Hindi mo ba alam na tapos na ang lahat samin.”


Nabigla ako sa sinabi niya.

“Nung mga oras na yun, nung makita kita. Alam ko na mahal pa rin kita. Kaso.. sa tuwing maaalala ko kung gaano kita kamahal. Naaalala ko rin kung gaano kasakit magmahal sayo.” Naaninag ko si Red sa likod niya. nakatingin siya samin.


“Nasabi ko na ba sayo, kung gaano kita kagusto nung college pa tayo? Noon pa lang na magkaklase tayo.” That was when we’re 2nd year college. “Alam mo din ba kung gaano kasakit sa tuwing magkakasalubong tayo.. iniiwasan mo ako. Sa tuwing magtatama ang mga tingin natin, iniisnaban mo ako. Palagi akong nasasaktan noon.. sa tuwing nakikita kita. I can’t even look at you. I feel as if.. you hate me.”


Bakit niya ito sinasabi. “Slater.. this is my engagement—“ ngumiti siya. at masakit na makita na fake yun.


Ni-tap niya ako sa balikat. “I congratulated you, right? This isn’t about me. I just want.. to tell you about my hidden feelings. Hindi ko intension na guluhin ang feelings mo para sa taong yun.” Umalis naman siya.


Namuo ang mga luha sa mata ko habang nakatingin sakin si Red. Nakangiti siya. Kaya ngumiti rin ako. Kahit deep inside ang sakit sakit. Did I make a wrong decision?



Natapos ang celebration. Nasa labas ako noon, nakaupo lang nang lapitan ako ni Red. Nginitian ko siya.

“Is something wrong?” umiling ako kahit na alam ko naman kanina pa ako tahimik. Simula ng magkausap kami ni Slater.

“Ano bang.. napag-usapan niyo ni Slater?”

Napatingin ako sa kanya. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Wala naman akong iniisip tungkol dun. Wala akong gustong mangyari pagkatapos kong marinig yun. Nabigla lang talaga ako sa mga nalaman ko.

“Do you still love him?” napakunot ako ng noo. Hinawakan ko ang kamay niya.


“Red!”


“Then kiss me?”


Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko. Pero nung hahalikan ko na siya.. bigla niyang pinat ang ulo ko.

“You’ll never kiss someone while closing your eyes, as if you're imagining he/she is someone else.”

Nabigla ako sa sinabi ni Red.


“Alam mong hindi yan totoo!”

“Diba sabi ko kahapon. You’ll never regret it. Ngayon pa lang, nangangako na ako. Na simula na sa araw na ito hindi ka na masasaktan.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Don’t worry. Ako na ang mag-eexplain kila mama. Ako na rin ang bahala sa kasal. May ni-plano na din kasi ako. Sa simula pa lang naman.. never ko ng inexpect na makakasali ako sa planong iyon. For your happiness, I’ll do everything.” Halos mangiyak ako sa sinabi niya. niyakap ko siya.


“Puntahan mo na siya.” nilayo niya ako. Tumayo naman ako.

Pero bago ako umalis, lumingon ako sa kanya.. I kissed his forehead.

Nakita ko pa ang pagbablush ni Red, “I love you. Thanks for everything.” Ngumiti ako atsaka umalis.



Pinuntahan ko si Slater. Sa mga maaari niyang punatahan. At nalaman ko nga.. na nasa bar siya. Hinanap ko sila Josef na kasa-kasama daw niya. masyadong madilim. At masyado ring maingay. Mabuti na lang, nakita ko si Derec. He winked at me. I know he’ll help me. Sinundan ko siya. at humiram kami ng mic sa dj.

“Mic test. Mic test.” Napatingin samin ang lahat. Nakatigil ang sounds. Lahat ng atensyon na sa amin.

“Slater? Naririnig mo ba ako..?” masyadong malaki ang bar. Masyadong maraming tao.



“BALIW KA!” napasigaw na ako. May naririnig pa ako na medyo naiinis na sa ginagawa ko. mga bulungan na nagsasabi na agaw atensyon daw ako.


“Makinig ka Slater.” Sinubukan kong hanapin ulit siya sa mga tao dito sa loob. May iba na walang pake. May iba na may kanya kanyang ginagawa. May iba naman.. na naghihintay sa sasabihin ko. “Hindi mo rin alam.. kung gaano kahirap sakin na sa tuwing nakakasalubong kita.. halos sumabog yung puso ko sa kaba. Sa tuwing magtatama ang mga tingin natin, kinakabahan ako. Natatakot ako na malaman mo ang tungkol sa pagtingin ko sayo. Nabablanko ang isipan ko kapag alam kong nandyan ka lang. Ganon siguro kita kagusto noon. Kaya hanggang ngayon..



mahal na mahal kita.” Biglang nagspotlight sa pwesto niya. Nakatayo siya at isa sa mga crowd na nakikinig sa sinasabi ko.

Lumapit ako sa kanya.

Nakatingin lang siya sa mga mata ko. mukha siyang wasted. Pero gwapo pa rin.



“Will you marry me?” naghiyawan ang lahat sa loob ng bar. Nagpatugtog pa yung dj ng isang napakaromantikong kanta. Natatakot ako sa mga tingin niya.

Nang bigla siyang napaluhod at napahawak sa ulo niya. Lumapit naman ako sa kanya.




“AKO DAPAT ANG NAGTATANONG NIYAN!” ngumiti ako.


Pero agad na napawi ang mga ngiting yun.. nung maglabas siya ng singsing. Halos mangiyak ako habang nakangiti. Ang sarap sa pakiramdam.




“I LOVE YOU..” hinalikan naman niya ako pagkatapos niyang isoot sa daliri ko ang singsing.

HTML Comment Box is loading comments...